Kapuso actor kinarir na ang pagde-deliver ng seafood; Sophie napapagod kahit walang kausap

TULAD ng mga kapwa niya Kapuso stars, marami ring natutunan sa buhay si Sophie Albert sa panahon ng lockdown.

Sa nakaraang “E-Date Mo Si Idol” episode, nagkuwento ang Kapuso actress ng kanyang mga realization habang naka-community quarantine.

Ayon kay Sophie, nakakapagod umano na wala siyang masyadong kausap sa bahay kaya natutuwa siyang nakilala sa GMA Artist Center virtual date si Nelo.

“I’m so happy kasi nga wala akong kausap na ibang tao so I’m excited to talk to you. I’m excited to learn more about you. To learn more about someone else.

“Ang mga kasama ko lang sa house kasi ito si Ginger, and my mom. Nakakapagod rin pala kapag wala ka masyadong kausap,” lahad ng aktres.

Ibinahagi rin ni Sophie na napansin niyang mas nakakatipid siya sa oras nang magsimula siyang mag-workout sa bahay.

“Feeling ko after ng quarantine ay sa bahay na lang talaga ako magwo-workout kasi parang ang daming oras na nase-save kapag sa bahay lang.

“Unlike kapag nagwo-workout ako dati everyday sa gym, parang nauubos yung buong araw ko, wala akong na-a-achieve,” sey pa ng dalaga.

* * *

Ikinuwento nama ni “Descendants of the Sun PH” actor na si Neil Ryan Sese kung paano siya kumikita ngayong may pandemya at pansamantalang naantala ang trabaho sa showbiz.

Sa interview niya sa “Amazing Earth”, sinabi ni Neil na kasalukuyan siyang nagde-deliver ng seafood sa iba’t ibang lugar gamit ang kanyang bisikleta.

Aniya, “Sobrang nae-enjoy ko na. Kasi akala ko noong una gagawin ko lang siyang business noong lockdown. Hindi ko naman akalain, hindi naman natin akalain lahat na hahaba ng ganito ‘yung lockdown.”

Malaki rin daw tulong ang ganitong klase ng trabaho sa bikers na kagaya niya.

“Alam ko nga may mga kaibigan akong nawalan ng trabaho na bikers din. I think ito yung malaking makakatulong sa kanila kasi kayang-kaya nila gawin ito for sure,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, mapapanood si Neil sa pinakabagong episode ng “Dear Uge Presents” kasama sina Eugene Domingo, Candy Pangilinan at Lotlot de Leon ngayong Linggo (Aug. 23), 2:30 p.m., sa GMA 7.ed

Read more...