Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o Calabarzon.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (August 20, 3:00 PM) nakapagtala ng 587 na bagong kaso kaya pumalo na sa 15,295 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
- Cavite – 3,492
- Laguna – 5,857
- Batangas – 2,263
- Rizal – 2,922
- Quezon – 761
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 10,086.
Nasa 4,789 na ang bilang ng mga naka-recover kung saan nakapagtala ng 291 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
- Cavite – 844
- Laguna – 1,657
- Batangas – 915
- Rizal – 1,009
- Quezon – 364
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng walo kaya umabot na sa 420 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
- Cavite – 78
- Laguna – 100
- Batangas – 68
- Rizal – 149
- Quezon – 25
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. Pananatili sa loob ng bahay