Natanong ang mga executive ng Archangel Media sa ginanap na online presscon ng TV5 kanina kung may plano silang i-produce ang programa ni Kris na “Love Life with Kris” na dapat sana’y noong Hulyo 25 pa umere.
Pero dahil nagkaroon daw ng problema sa producer nito ay naurong nang naurong ang airing ng show.
Tatlong programa ang produced ng Archangel Media sa Kapatid network na umeere na, ang “Chika BESH” “Bawal na Game Show” at “Fill in the Bank.”
“We’re the line producers for TV5,” sabi ng CEO ng Archangel Media na si Jojo Oconer.
Dagdag pa niya, “When it comes to plans, lagi naman kaming may plano to produce more shows and movies kung may pelikula na ulit.
“Pero siyempre it depends on the climate of movie business and our partnership with TV5 also and Cignal.
“There’s always plans for that pero itong tatlong show na ginagawa namin, we’re just starting it so doon muna para mapaganda pa kung anuman ‘yung nakita ninyo nu’ng pilot, mas papagandahin pa namin,” paliwanag niya.
Muli siyang tinanong tungkol sa show ni Kris kung willing ba silang i-produce ito.
“We’re independent (producer) naman, we can work with a lot of people and anybody in the business, ‘yun naman talaga ang buhay ng independent producer, eh, we have to work with everybody, so that’s always a possibility,” sagot ni Mr. Oconer.
Samantala, natanong naman si Direk Mike Tuviera tungkol sa planong i-manage noon si Kris ng APT Entertainment na hindi naman natuloy.
“We’re friends with Kris, we’re going to do some projects before pero wala naman kaming naging problema at all,” sagot ng isa sa executive ng Archangel Media.
Sa totoo lang hindi nasagot nang diretso ni direk Mike ang tanong dahil ibinaling na niya na tuluy-tuloy pa rin daw ang pagpo-produce nila ng mga programa at hindi naman natitigil ang pag-pitch nila ng mga project sa TV5 at depende na lang daw ito kay Mr. Perci Intalan na head ng programming ng Kapatid network.