Rita emosyonal sa 5 minutong b-day ng frontliner na kuya; ‘padede mom’ Kylie tuloy ang pagpapaseksi

NAKAKA-TOUCH ang naging pagbati ng Kapuso star na si Rita Daniela sa kanyang kuya na nagdiwang ng kaarawan recently.

Isang frontliner ang nakatatandang kapatid ng aktres at may pasok ito sa mismong araw ng kanyang birthday kaya naman isang sorpresa ang inihanda ng kanilang pamilya.

Dala ang paboritong cake ng kuya niya, binisita nina Rita ang kapatid sa trabaho upang kahit saglit ay makapag-celebrate sila.

 “He’s a frontliner, he’s my brother and it’s his birthday. Can’t even hug and kiss him on his special day. Dropped by to give a piece of his favorite cake. Birthday greetings in just 5 mins,” caption ni Rita sa litratong ipinost niya sa Instagram.

Ibinahagi rin ng dalaga kung gaano siya kabilib sa serbisyo ng kapatid, “But we’re very proud of u, kuya. You’re doing a good job of being a father to Vivon Loren.

“Most especially of your love for God. Keep on honoring Him even when it hurts, it will be all worth it. Keep that faith growing!!!” aniya pa.

                        * * *

Uumpisahan na raw ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang kanyang fitness journey.

Excited niya itong inanunsyo online, “Officially started my weight loss journey. And man, am I excited to see my body change and evolve once again.

“I’m just thankful I am healthy and be able to move as I do. Since I am breastfeeding, though, I need more and more hydration. Something I can’t forget to keep my milk supply efficient to feed Axl. Game on!”

Kuwento ni Kylie, hinayaan daw muna niya ang sariling maka-recover nang tuluyan bago simulan ang pagpapayat.

Matatandaan na ipinanganak niya ang bunsong si Axl Romeo walong buwan ang nakararaan.

Dagdag pa ni Kylie, “I’m happy, albeit the days where I feel like I am not entirely myself. I have grown to respect that it will take time because everything good takes time.”

Samantala, patuloy siyang napapanood bilang si Amihan sa rerun ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.

Read more...