Heart plano munang gumawa ng teleserye, pelikula bago mabuntis uli

FEELING ni Heart Evangelista mas mabilis na siyang magpatulo ng luha ngayon sa mga gagawin niyang madadramang eksena kesa noong kabataan niya.

Inamin ng Kapuso actress na nami-miss na rin niya ang umarte sa harap ng mga camera dahil matagal-tagal na rin siyang hindi gumagawa ng teleserye.

“I do actually. I really, really do,” ang mabilis na tugon ng fashion icon nang matanong kung nami-miss na niya ang pag-arte.

“I did this film with Garlic (Garcia). We worked together in China and it was a really intense film, super bloody and super action.

“I really enjoyed it. It was really an experience. I do miss it. It’s just that I was busy with many other things and when you have a soap, you can’t leave. You can’t do anything,” pahayag ni Heart sa chikahan nila ng TV and movie writer na si G3 San Diego sa Instagram Live.

Looking forward na raw siya sa pagbabalik niya sa teleserye o pelikula kapag bumalik na sa normal ang lahat kasabay ng panalangin na matapos na ang pandemya sa buong mundo.

“I set (acting) aside for a bit but right now, I don’t think I mind doing another soap or maybe doing another movie before I plan to really get pregnant and do what I need to do,” ani Heart.

Inalala ng aktres ang naging struggle niya sa akting noong ginagawa niya ang ABS-CBN drama series na “Hiram” noong 2004.

“I think that’s why I had to really do my best because I was very pressured, ang gagaling ng mga kasama ko doon. I had to produce a tear, bumubuhos na ‘yung sa kanila. I had to level up with my game,” kuwento ni Heart.

Patuloy pa niya, “That time, I don’t think I did well. I think I was better when I was older because I feel like I had more heartaches. I had more pain.

“I’ve experienced real pain in life. It really matters because there, parang kailangan ko talagang pigain before lumabas ‘yung luha mo. Right now, I know how it feels to be broken,” sey pa ng misis ni Chiz Escudero.

Read more...