Hugot ni Robin sa 10th anniv nila ni Mariel: Ipagpatawad mo minahal kita agad…

 

 

MARAMING pinakilig si Robin Padilla sa anniversary message niya para sa asawang si Mariel Padilla.

Ngayong araw nagse-celebrate sina Robin at Mariel ng kanilang 10th anniversary. At para alalahanin ang importanteng araw na ito, nag-post si Robin ng kanilang kasal na ginanap sa Taj Mahal.

 

Caption ng action star, “Wedding day August 19, 2010 Taj mahal NEW DELHI, INDIA. Una tayong Kinasal sa Islam Alhamdulillah sumunod sa born again at sa igorot kulang pa tayo ng catholic at civil rights in shaa Allah lahat ng blessing at panalangin ay ating ipinagpapasalamat bilang panlaban natin sa mga malalapit at malalayo sa atin na nais tayong mabigo at magkahiwalay.”

 

“Panalangin ko na mabiyayaan pa tayo ng buhay at lakas para matupad pa natin ang lahat ng mga wedding rights na ating pinangarap.

‘Tunay na Walang tatalo sa adrenaline high ng pag ibig at kasal every second of it is worship to the Almighty creator,” mensahe ni Binoe kay Mariel.

 

Patuloy pa niya, “Thank you my babe sa 10 taon na pagiging kapitan ng aking barko without your sailing patience matagal na akong na abandoned ship.. maraming maraming salamat @marieltpadilla.”

Sa isa pa niyang post, muling ibinandera ng aktor ang pagmamahal sa asawa, “Ipagpatawad mo minahal kita agad. Ipagpatawad mo Magmula noon hanggang ngayon na 10 taon na tayo ay patuloy pa rin kitang iniibig. Ipagpatawad mo kung hihingin ko sa Nagiisang Panginoong maylikha ang marami pang taon sa piling mo para kitay mahalin at ibigin pa.”

 

Short but sweet naman ang pagbati  ni Mariel sa kanyang asawa, “A decade with you happy anniversary @robinhoodpadilla 10years and a long road ahead. Mahal kita.”

 

Read more...