Maraming celebrities ang bumati sa kanya tulad nina Ricky Davao, Judy Ann Santos-Agoncillo, Enchong Dee, Ritz Azul, Annette Gozon-Valdes at maraming iba pa kasama na ang media na laging imbitado ni Mother sa mga events niya.
Sa edad 81 ay malusog at malakas pa ang Regal matriarch kaya ang tanging wish niya ngayong kaarawan niya ay, “Good health at gusto kong umabot ng 100 years.”
Kaya ang sabi namin ay 19 years na lang para maabot ang inaasam niya sa buhay, “Oo nga malapit na,” biro namang sabi ng lady producer.
Ang saya-saya ni Mother Lily at mukhang hindi apektado ng pandemya dahil panay pa rin ang biro niya tulad nang dati kapag nakakaharap ang press people.
Panay pa ang sabi niya sa GMA executive na si Ms. Annette ng, “Sabihin mo sa daddy (Felipe Gozon) mo bigyan ako ng trabaho. Mag-a-apply ako kahit four thousand lang per taping.”
Natatawa naman ang TV executive sa biro ni Mother.
Ikinuwento rin ni Mother Lily na simula nu’ng lockdown ay hindi siya nakalalabas ng bahay dahil ayaw siyang palabasin ng mga anak kahit mag-grocery lang.
“Minsan akong lumabas sa gate, ibinalik ako ng guard. Ha-hahaha!” say pa ng producer.
Tinanong namin kung paano ipo-promote ang pelikulang entry ng Regal Films sa MMFF 2020 na “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” na pagbibidahan ni Joshua Garcia.
“Hindi ko alam, tuloy ba ang Metro Manila Film Festival?” balik tanong sa amin ng birthday celebrator.
Say naman ni Ms. Roselle Monteverde, “Parang ang hirap. Nag-postpone nga ulit ang theater owners sa opening nila. Sa tingin n’yo kelan babalik ang normal? Next year na ‘no? Next year na siguro ang MMFF.”
At lahat naman ay nag-agree sa sinabi ni Ms. Roselle na sa 2021 na ang balik ng normal.
Samantala, panay naman ang hanap ni Mother kay Gabby Concepcion na tinawag niyang “Gabby Consumisyon” kaya nagkatawanan ang lahat.
Kaya ito nabanggit ng lady producer ay dahil laman ng mga balita si Gabby dahil hindi siya dumalo sa burol ng ina kaya masama ang loob ng mga kapatid na kaalitan ng aktor dahil sa property na ibinenta nito na hindi aware ang pamilya dahil pineke ang pirma ng nanay nila.