2 hunk actor buhay na buhay kahit may pandemya dahil kay kilalang designer

CURIOUS kami kung magkano ang net worth ng kilalang designer dahil sa panahon ng pandemya at maraming negosyong nagsara ay tila hindi naman apektado ang ating bida.

Bakit? Dahil nasu-sustain niya ang pangangailangan ng dalawa niyang “special friend” na hunk actor na parehong maluho sa buhay.

Well, si hunk actor A ay may pamilya kaya obviously, kailangan niya lagi ng pera hindi lang para sa sarili kundi para rin sa mga sinusustentuhan niya.

Kahit na may trabaho siya ay hindi pa rin sapat dahil hindi naman kalakihan ang talent fee niya bukod pa sa hindi naman siya lead role sa mga seryeng kabilang siya.

At si designer nga ang nagpupuno ng lahat ng mga kailangan niya na hindi kaya ng kinikita niya.

Si hunk actor B naman ay binatang-binata at sa pagkakaalam namin ay hindi naman siya bread winner ng pamilya pero magastos siya.

Wala siyang ginawa kundi pumunta sa ibang bansa at pawang branded ang mga gamit mula ulo hanggang paa.

Magtataka ka nga dahil wala siyang masyadong show pero nabibili niya ang lahat ng gusto niya.

Talbog pa nga niya ang mga celebrities na ka-batch niya na di hamak na mas malaki pa ang talent fee sa kanya.

Kuwento ng aming source hindi sila pinababayaan ng special friend nilang designer, as in lahat ng gusto nila ay nakukuha nila.

“Yes, well provided sila pareho, kaya happy naman sila,” sabi ng aming source.

Sa tanong namin kung sino sa dalawang hunk actor ang mas matimbang sa designer?

“Pareho silang loyal at mababait pa kaya baka patas lang, ang mahalaga, hindi sila iniiwan at pinababayaan,” say ng aming source.

Read more...