MISMONG si Carmina Villaroel ang nagbuking na muntik na silang maging magdyowa noon ni Piolo Pascual.
Aliw na aliw ang ang mga netizens sa live birthday streaming ni Carmina kung saan muli silang nagkakuwentuhan ni Piolo with matching nakakalokang bukingan.
Isa si Papa P sa mga bumati ng “happy birthday” sa “Sarap Di Ba” host at dito nga ibinandera ng misis ni Zoren Legaspi na matagal na niyang kaibigan ang hunk actor.
Kitang-kita rin sa reaksyon ng Kapuso TV host-actress ang pagkagulat nang makita si Piolo sa screen ng kanyang computer.
“Serious ba ‘to? Ang guwapo nga nito, pantasya nga ng bayan! Uy sobrang na-touch ako, talaga, thank you,” natatawang sey ni Carmina.
Dito nga inamin ni Carmina na super close sila ng Kapamilya actor, “Close tayo! Super close tayo! Sa sobrang close nga muntikan na ngang maging kami.”
Kunwari’y nabilaukan naman si Carmina nang mag-dialogue si Piolo ng, “Pero dapat tayo, ‘di ba? Umamin ka!”
Na sinagot ng aktres ng, “Ano aaminin ko? Ito kasi, e. Kulang na lang ako lumigaw diyan, e.”
Seryosong chika naman ni Piolo, hindi man sila nabigyan ng chance ni Carmina nagkatuluyan naman ang dalawang importanteng tao sa buhay nila.
“My sister-in-law who gave my brother two beautiful kids who are no 18, 19, and they’re all grown up.
“We had a double date, it was their first time to meet, ‘di ba? Kuya and si Tessie. Tessie, my kuya’s wife, is Mina’s bestfriend.
“So, we had a group date of some sort, Okay na ba ‘yun, Mins?” lahad ng binata.
“Friendly date lang naman. Nahihiya ako na ikinukuwento natin ito,” singit ni Carmina.
Patuloy naman ni PJ, “They ended up as a couple. They ended up together. So ‘yun, I think tayo ‘yung naging tulay.
“If not for us, they wouldn’t be able to meet each other and be husband and wife,” aniya pa.
Samantala, tuluy-tuloy ang masayang selebrasyon para sa 45th birthday ni Carmina ngayong Sabado (Aug. 22) sa “Sarap, ‘Di Ba: Bahay Edition”, 10 a.m., sa GMA 7.