Listahan ng ‘interim government’ buo na daw

Isang listahan ng “interim government” na binubuo ng ilang dating Cabinet secretaries ang hawak ngayon ng isang grupo na kabilang sa oposisyon.

Ito raw ang kanilang isasalpak sa gobyerno sakaling magkatotoo ang kanilang masamang wish para sa pangulo.

Nang lumabas ang report na nagpunta raw sa Singapore ang pangulo para magpagamot na sila rin naman ang may gawa ay kaagad nila itong pinalaki gamit ang social media.

Sa tulong ng online trolls ng isang talunang senatorial candidate ay kaagad na kumalat ang nasabing malisyosong report.

Dumagdag pa sa eksena ang isang PR man na dating naharap sa kasong arson sa mga nagpainit sa isyu gamit ang social media.

Sinabi ng aking cricket na ilang buwan nang nabuo ang nasabing listahan na handa nilang iabot kay Vice President Leni Robredo bilang successor ng pangulo kung sakaling maging incapacitated ito.

Hindi pa nila ito ibinibigay sa pangalawang pangulo dahil alam nilang hindi naman ito kaagad na tatanggapin ang ikalawa sa pinakamataas na lider ng bansa.

Idinagdag pa ng aking cricket na laman rin ng listahan ang pangalan ng kanilang mga ipapalit na pinuno ng pulisya at militar “just in case”.

Laman rin ng listahan ang pangalan ng ilang talunang kandidato sa senatorial election na uupo sa mga sensitibong pwesto sa gobyerno.

Noong Lunes ay inakala nila na iyun na ang panahon na kanilang hinihintay pero muli sila ay naunsyami.

Bukod sa nasabing listahan ay abala rin daw ang nasabing paksyon sa oposisyon sa pangangalap ng pondo para sa kanilang online operation.

Malaking bahagi raw ng pondo ay galing sa isang maimpluwensiyang personalidad sa abroad ayon pa sa aking cricket.

Read more...