Mikael napa-throwback sa pagpanaw ng ama; Eugene may lockdown hugot sa ‘Dear Uge’

 

 

NAGING emosyonal ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang latest YouTube vlog.

 

“Letting go” ang naging tema ng usapan at ibinahagi ni Mikael ang isa sa mga pinakamabigat na pinagdaanan niya sa kanyang personal life.

 

“I guess my first real bout of having to let go was when my dad passed away…the first few years were definitely super difficult,” pahayag ng Kapuso actor.

 

Dagdag pa niya, “For quite a while, when I was 16, 17, I was always thinking, ‘why?’ So why did this happen?

 

“I guess that was stopping me from letting go because I was trying to understand it,'” sabi ng mister ni Megan.

 

“To be honest with you, if I were to sum up this one line that a tito told me, I mean of course this is not verbatim, I’m really summarizing it, he said ‘Why not?’

 

“The way that hit me was that you know, he’s in a better place so why would I deny my dad that?

 

“That was the one that helped me start to move on. And that is something I carried with me in life, apparently,” lahad pa ni Mikael.

* * *

Kaabang-abang ang paparating na weekend dahil muling mapapanood si Eugene Domingo sa isang nakakaintriga at napapanahong kwento para sa fresh episode ng “Dear Uge Presents” ngayong Linggo.

 

Makakasama ni Eugene sa brand new episode ng award-winning comedy anthology ang kapwa mahuhusay na aktor na sina Neil Ryan Sese, Candy Pangilinan at Lotlot de Leon.

 

Tunghayan ang kwento ng mag-asawang sina Amor (Eugene) at Migs (Neil Ryan) na matapos ang 10 taon ay napagdesisyunang maghiwalay dahil sa madalas nilang hindi pagkakaunawaan.

 

Makalipas ang ilang buwan, bumalik si Migs sa kanilang bahay upang kunin ang mga natitira niyang gamit. Pero dahil sa COVID pandemic, inabutan siya ng enhanced community quarantine kasama si Amor. Ano kaya ang matutuklasan ng dalawa sa isa’t isa?

 

Abangan ito sa much-awaited comeback ng “Dear Uge Presents” ngayong Sunday, 2:30 p.m. sa GMA.

Read more...