
Groupie na kinuha sa opisina ni Senador Bong Revilla sa Senado para sa unang araw ng session ng Mataas na Kapulungan noong Hulyo 27.
Isinugod sa ospital si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ngayong Martes matapos na ito ay mag-develop na ng pneumonia, ayon sa kanyang asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado.
“Father God please help my husband,” ayon sa post ni Mercado sa Facebook. “He is being rushed to the hospital.”
Si Revilla ay nagpositibo sa coronavirus sa testing na isinagawa dalawang linggo na ang nakararaan.
Matapos mag-post ni Mercado, nanawagan naman ng panalangin sa Facebook Live si Revilla.
“Magandang araw po,” wika ni Revilla.
“Okay, laban…[Ang] hirap,” wika pa nito habang inaatake ng matinding ubo.
“Please pray for me. Please,” pagtatapos ng senador.