Nanawagan ang isang alyansa ng mga konsyumer sa Department of Health na repasuhin ang China-made rapid test kits dahil sa diumano’y pagiging inaccurate ng resulta nito.
Nagpahayag ng pagkabahala ang Alliance for Consumers and Protection of Environment, Inc. (ACAPE) dahil ang nasabing inaccuracy ay maaring magresulta lamang ng paglobo ng bilang ng mga may coronavirus na sakit sa bansa.
Mismong si Dr. Gap Legaspi, director ng University of the Philippines-Philippine General Hospital, ay nagsabi na 20 percent lamang ang natutukoy ng rapid antibody tests ng mga totoong nagpositibo sa COVID-19.
“What we found out was that rapid antibody tests only predicts 20 percent of those who were really positive. So that means you are missing out on 80 percent of who would have been positive and they’ll be walking around thinking they’re negative,” ayo kay Dr. Legaspi sa panayam ng One News noong Agosto 13.
Dahil dito, nangangamba ang ACAPE na ang mga maling resultang negatibo ay maaring pagmulan ng pagkalat ng mas maraming kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
“We call on the Department of Health to immediately review the China-produced rapid test kits for its accuracy and safety as it poses health risks to millions of Filipinos,” wika ni Rhia Ceralde, ang tagapagsalita ng ACAPE.