Catriona magpapatayo ng computer center para sa mga batang-Tondo; kailangan ng P1-M

 

KAILANGANG makalikom ng P1 million ang grupo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa bago niyang proyekto.

Matapos makapag-raise ng P5 million funds para sa pagbili ng bigas na ipinamigay sa mga pamilya sa Tondo, may bagong charity project na naman ang Team Catriona.

Sa pakikipagtulungan ng Young Focus, plano ng beauty queen na makapagpatayo ng mga computer center sa ilang lugar sa Tondo.

Ipinost ni Catriona ang video ng Young Focus Quality Education for All sa kanyang Facebook page kung saan hinihikayat niya ang madlang pipol na makiisa sa nasabing proyekto at kung paano nila maipadadala ang kanilang donasyon.

Aniya, kakailanganin nila ng P1 million para maisakatuparan ang pagpapatayo ng computer centers sa Tondo para sa mga kabataang walang kakayahang bumili ng gadgets para sa online classes.

Ang itatayong computer centers ay, “equipped with social distance dividers, hand washing stations, sanitation equipment, working computers, and a safe learning environment.”

Sabi ni Catriona, “For many of our Filipino youth in vulnerable areas, having their own gadgets and access to reliable Internet is just not possible.

“With this, Young Focus is launching the Quality Education for All initiative with the goal of raising P1 million.

“Let’s help our children continue their education. Quality education is a right for all,” pahayag ng beauty queen na talagang dedicated sa pagtulong sa mga batang-Tondo.

Read more...