Lovely Abella na-trauma matapos magka-COVID: Na-depress ako, wala akong ginawa kundi umiyak  | Bandera

Lovely Abella na-trauma matapos magka-COVID: Na-depress ako, wala akong ginawa kundi umiyak 

Ervin Santiago - August 18, 2020 - 11:18 AM

 

MATINDI ang trauma na tumama sa Kapuso comedienne-dancer na si Lovely Abella matapos siyang tamaan ng COVID-19.

Nalaman ni Lovely na positive siya sa killer virus nang ipa-test nila kamakailan ang kanilang kasambahay na may sintomas ng COVID.

Base sa resulta ng medical test ni Lovely, asymptomatic siya kaya wala siyang naramdamang sintomas ng coronavirus.

Sa video conference ng Bubble Gang kahapon, naikuwento ng Kapuso actress ang kanyang pinagdaanan.

“Sa rapid test po medyo may two lines po na ibig sabihin before nagkaroon na po ako ng virus, pero ngayon wala na akong virus sa katawan ko.

“Pero po dahil po ‘yung kasambahay po namin nagkaroon po siya ng symptoms, which is nawalan po siya ng pang-amoy at panlasa sa pagkain, in-isolate po agad namin siya.

“Then, kinabukasan po, pina-swab test ko po siya, which is kasama kami ni Benj (Manalo, partner niya), para lang po makampante ako. Pero ako po ‘yung nag-positive po, sila po negative,” lahad niya.

Sa ngayon, okay na si Lovely pero kung minsan ay napapraning pa rin siya kahit nakumpleto na niya ang 14-day self-isolation.

“Tapos na po ako, bago po mag-birthday ‘yung daughter ko, okay na po ako.

“Pero mine-make sure ko po na kahit bumaba po ako ng room naka-mask po ako. Tapos may sarili po akong alcohol na lagi ko pong bitbit, para po lahat ng nahahawakan ko po ay naiispreyan ko po,” aniya sa panayam ng GMA 7.

Aniya pa, “Kaya po ‘yung mga spoon and fork ko po, separate po, sa kanila may goma ‘yung akin, iba ‘yung plato ko, iba ‘yung baso ko.

“Iba po lahat nang gamit ko sa kanila para lang po sure lang po talaga kami, kahit sa sabihin natin okay na po ako.”

Para makasiguro na ligtas na talaga ang kanyang pamilya, plano pa rin ng Kapuso comedienne na ipa-swab test ang mga ito.

“Actually, ang sabi naman po ng doktor sa akin na after the isolation po ng 14 days na pag okay ka na daw po, e, no need na raw po magpa-swab test ulit.

“Pero hanggang ngayon po na hindi pa rin po ako kampante, siguro po na-trauma po talaga ako.

“As in dumarating sa punto na hindi ako nakakatulog. Tapos po iba po ‘yung nangyari sa akin in the past few days, kaya ngayon maingat ako.” say pa ng dating dancer sa programa ni Willie Revillame.

“Soon siguro po, hindi naman po advisable super ng doktor, pero soon po para mas makampante lang po ako at para sa pamilya ko magpapa-swab test po kami para sure lang.

“Kahit po na sabihan po natin na okay na po ako, pero kasi dahil wala akong swab test baka kasi until now asymptomatic-positive pa rin po ako.

“Kasi po ang asymptomatic-positive kami po usually ‘yung carrier na hindi po namamalayan namin nakakahawa, kaya hindi rin po ako basta-basta kumakausap sa mga taong pumupunta rito sa bahay like sa labas man lang,” paliwanag pa ng komedyana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Kaya po masaya po ako ngayon, kasi dumaan po ako sa punto na na-depress ho talaga ako. Wala ho akong ginawa kundi umiyak, kasi natatakot po talaga ako para sa anak ko, dahil nga po asymptomatic ako, hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko.

“Hindi ko alam kung paano ma-prevent para hindi ho sila mahawaan,” chika pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending