Walo arestado sa operasyon kontra ilegal na droga arestado sa Maynila

Arestado ang walong suspek sa magkakasunod na operasyon kontra ilegal na droga sa Maynila.

Nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng MPD Station 6 sa Sta. Ana.

Kabilang sa naaresto alas 11:00 ng gabi ng Lunes (Aug. 17) ang barangay tanod na si Benjie Mariano, at ang kasama nito na si Hydielyn Escobar, na kapwa residente sa Punta, Sta. Ana, Manila.

Nauna dito ay nadakip din ang 20-anyos na si John Berwin Labiana alyas Berwin sa Oro B. St., Sta Ana, Manila.

Gayundin ang 60-anyos na si Ricky Belarmino @ Ricky; Bernardo Lauzon alyas Bobet, 60-anyos; at ang 28-anyos na si Rodolfo Garcia, Jr. @ Bebe, pawang residente sa San Andres Bukid.

Sa hiwalay na operasyon ay naaresto din sa bahagi ng Brgy. 88, Tondo sina Raffy Ignacio,22, alyas Nano, 22-anyos; Jesus Benj Dela Rosa, alyas BJ, 20-anyos.

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang P49,000 na halaga ng ilegal na droga at mga drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay isasalang sa inquest proceeding sa Manila City Prosecutor Office dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...