Pinawi ng Phivolcs ang pangamba na magdudulot ng tsunami ang pagyanig na naitala sa Masbate.
1 kilometer lang ang lalim ng magnitude 6.5 na lindol na ang epicenter ay sa bayan ng Cataingan kaninang 8:03 ng umaga (August 18).
Sinabi ng Phivolcs na hindi inaasahang magdudulot ng mapaminsalang tsunami ang lindol.
Naramdaman ang pagyanig sa maraming lugar sa Bicol Region at umabot sa maraming lugar sa Visayas ang pagyanig.
Samantala, apat na may kalakasang aftershocks naitala sa Cataingan, Masbate
Niyanig ng may kalakasang pagyanig ang lalawigan ng Masbate.
Unang naitala ang magnitude 3.8 na lindol sa 22 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-8:23 umaga ng Martes (August 18) at may lalim na 22 kilometers.
Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity II – City of Masbate
Intensity I – Palo, Leyte
Sumunod na naitala ang magnitude 3.1 na lindol sa 17 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Cataingan, alas-8:28 at may lalim na 22 kilometers.
Magnitude 3.4 naman ang yumanig sa 7 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-8:40 ng umaga at may lalim na 8 kilometers.
Naitala naman ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 18 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Cataingan, alas-8:53 ng umaga at may lalim na 1 kilometer.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Ito ay aftershock ng magnitude 6.5 na lindolna naganap 8:03 ng umaga sa Cataingan, Masbate.