HINDI na matutupad ng piloto at dating news reporter ng GMA 7 na si Steve Dailisan ang pangako sa kanyang ama.
Promise ni Steve sa kanyang tatay na si Sancho Dailisan, siya ang magiging piloto ng eroplanong sasakyan nito kapag umuwi na sa bahay nila Aklan.
Ngunit hindi na nga ito mangyayari dahil pumanaw na nga kagabi ang kanyang 70-year-old na ama habang naka-confine sa isang ospital sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon sa ulat, “cardiogenic shock secondary to gastro intestinal bleeding (and possible cerebral hemorrhage) as manifested by acute kidney injury and minor pneumonia (viral vs bacterial)” ang sanhi ng pagkamatay ni G. Sancho Dailisan.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Steve ang malungkot na balita, “I was looking forward to take you inside the real cockpit one day… I could’ve been the happiest if I was given the chance to pilot your flight to your hometown in Aklan.
“But what can I say Dad? You went ahead to your dream destination in the loving arms of God.
“Never thought that I’d be writing something so excruciatingly painful in my wall. Our Dad, Sancho Dailisan peacefully joined our Creator at around 6 in the evening,” aniya.
Ang pagkawala ng tatay ni Steve ay nangyari ilang araw matapos ibalita ng piloto na may bago na siyang trabaho sa isang airline company.
Isa kasi si Steve sa mga bagong pilotong natanggal sa Cebu Pacific dulot ng COVID-19 pandemic.