PASABOG ang mga rebelasyon ng mag-inang Aiko Melendez at Andre Yllana tungkol sa usaping “virginity” at “first sex experience.”
Sa latest vlog ng aktres sa YouTube, nagkaroon sila ng mala-talkshow na usapan ng panganay na anak nila Jomari Yllana.
Dito sinagot ni Andre kung bakit siya pumayat at kung may pinagdaraanan ba raw ang binata.
“Pumayat ka daw… nagda-drugs ka ba? Alam ko namang hindi ka nagda-drugs obviously, di ba?” diretsahang tanong ni Aiko kay Andre. “Pero can you please let our viewers know kung bakit ka pumayat?”
Ayon sa binata, may girlfriend na raw siya, si Jen at ito raw ang inspirasyon niya sa pag-diet at pagwo-workout. More than one year na raw ang relasyon nila ni Jen.
Dito na diretsahang tinanong ni Aiko si Andre kung virgin pa siya. Natawa muna ang binata sabay sabing, “Diyos ko, ang ano naman, Mom, ang bulgar naman nu’n!”
“Well, siyempre, beinte-uno na ako, tapos… siyempre, hindi na!” biting sagot ni Andre na ikinagulat ng ina.
Hirit ng aktres, “Ha?! Bakit sabi mo sa akin last week, oo! Nagbago?! Nakaka-shock naman yun.”
Sabi naman ni Andre sa kanya, “I mean, bakit, ikaw, how old were you when you?”
“I was twenty-two. I was twenty-two. Nu’ng twenty-two, yung tatay mo pa yung ano, yung nakaano… basta iyon,” pag-amin ni Aiko na ang tinutukoy ay si Jomari.
Sey naman ni Andre, “Di ba, hindi naman si Dad first boyfriend mo?” Na sinagot ni Aiko ng, “Ang first boyfriend ko si Aga, pero walang nangyari sa amin, hello! Mamatay man!
“O eto, magkamalas-malas na. Wala talagang nangyari sa amin. Peks man, cross my heart!” chika ni Aiko na ang tinutukoy naman ay si Aga Muhlach na naging leading man niya sa ilang pelikula.
Sabi naman Andre sa ina, “E, bakit sabi sa akin ni Dad? Hindi naman daw siya yung una mo daw.”
Medyo na-bad trip naman si Aiko sa narinig kaya bwelta niya, “Alam mo, huwag kang gumawa ng kuwento. Alam mo, sasapakin ko yung tatay mo! Hindi na nga kami okay, gumagawa pa siya ng ano.
“Sinabi niya yun? Sinabi niya yun? Ang kapal ng mukha niya! Siya una, ‘no! Ay shit! E talaga naman.
“Talaga, sinabi niya yun? Tatawagan ko ang tatay mo, ang kapal ng mukha niya para sabihin niya yun.
“Alam niya! Kaya nga ako nabuntis agad sa iyo at the peak of my career, nabuntis ako dahil siya nga yung first ko. Sira-ulo ba siya?”
“Wala kayang nangyari sa amin ni Aga, sira-ulo ba siya! Gumagawa siya ng isyu, para siyang ewan. Sinabi niya talaga yan, mamatay man? Sinabi niya ‘yan? Alam mo, issue-maker ka. Mag-aaway kami talaga.
“Hindi na kami nag-uusap ng tatay mo, pero dahil sa ni-reveal mo, Andre, mag-aaway kami!” ang tuluy-tuloy na litanya ni Aiko.
Pero biglang hirit ni Andre kay Aiko, “Joke lang! Binibiro lang kita, ito naman, patola.”