Iza nagtampisaw sa ika-38 kaarawan: Most meaningful b-day yet

 

PARA sa Kapamilya actress na si Iza Calzado, ang 38th birthday niya ang masasabi niyang pinaka-meaningful sa lahat ng kanyang kaarawan.

Kahapon nag-celebrate ang aktres ng kanyang birthday at base sa mga ipinost niyang mga litrato sa Instagram, sa The Farm At San Benito sa Batangas siya nagbabakasyon ngayon.

Makikita sa ilang IG photos ng aktres ang paglangoy niya sa napakalinaw na tubig sa nasabing private resort.

“As I bathe in God’s love and light, I am filled with gratitude to be able to continue this beautiful journey called life — with a deeper understanding that every waking moment and every breath is a blessing,” caption ni Iza sa kanyang mga litrato.

Sa isa pa niyang post, nagpasalamat naman siya sa lahat ng nakaalala sa kanyang birthday. Dito nga niya nasabi kung gaano siya ka-blessed kaya talagang mas naa-appreciate niya ngayon ang bawat minuto ng buhay.

“So much joy in my heart while reading your birthday greetings. I draw strength and energy from each and everyone of you. Maraming salamat!” aniya.

Para kay Iza second life na niya ito matapos gumaling sa COVID-19 kaya naman mas nagiging makabulahan sa kanya ang paggising sa bawat araw kasama ang mga mahal niya sa buhay.

Ngayong gabi na mapapanood ang bagong teleserye ni Iza sa ABS-CBN na “Ang Sa Iyo Ay Akin” kasama sina Jodi Sta. Maria at Sam Milby after “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Read more...