Mataas na lider ng NPA arestado sa Misamis Oriental

Natunton ng magkasanib na puwersa ng gobyerno ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army sa safehouse nito sa Gingoog City.

Ayon kay Caraga Regional Police director, Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, isinilbi ng mga pulis at tauhan ng Philippine Army ang 10 warrants of arrest kay Venancio Idpalina alias Bemben sa Barangay Agay-ayan.

Aniya si Idpalina ang commanding officer ng Sandatahang Yunit Pampropaganda sa ilalim ng Northeastern Mindanao Regional Committee.

Nabatid na ang naaresto ang pang-13 sa most wanted persons sa NPA priority target list sa rehiyon.

Ilan lang sa mga kaso nito ay kidnapping and serious illegal detention at multiple attempted murder.

Samantala, apat na miyembro naman ng Militia ng Bayan ang sumuko kasabay nang pagkakahuli kay Idpalina.

Isinuko nila ang isang .38 revolver at apat na bala.

Read more...