19 pelikula bakbakan sa 1st Video Home Festival; kikitain ido-donate sa Mowelfund

 

BABANDERA na ang iba’t ibang kuwento ng buhay-Pinoy sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng kauna-unahang Video Home Festival.

Pormal nang inilunsad ang 2020 VHF o Video Home Festival sa pamumuno ng entrepreneur-film producer na si Dr. Carl Balita na magbibigay ng pagkakataon sa mga baguhang filmmaker.

Sa kabila ng ipinatupad na lockdown nitong mga nakaraang buwan dahil sa COVID-19, nakagawa pa rin ng pelikula ang ilang baguhang direktor para isali sa VHF mula sa kani-kanilang tahanan with super limited resources.

Ang Video Home Festival ay isang filmmaking competition na ang tema ay ukol sa “lockdown.” Masusubok dito ang galing kung paano makagagawa ng isang short film gamit lamang ang immediate technology, space, at casts na available lamang sa filmmakers.

Pumili ang team nina Dr. Carl ng 19 short films para sa VHF na tumatalakay sa iba’t ibang kuwento na may kinalaman sa pandemyang nararanasan ng buong mundo.

Ayon kay Carl, naisip niya ang VHF, bilang aktibo siyang nangangampanya ng stay home during the start of the quarantine until today para na rin makatulong sa mga health at service professionals.

“I knew that the filmmakers were oozing with creativity in the new normal and were itching to express their craft even with all the limitations of a quarantine experience,” ani Dr. Carl.

“We were surprised when after more than a month from our launch, entries came in from professionals, film students, and enthusiasts,” dagdag niya.

Batid din niya na marami sa mga nagtatrabaho sa showbiz industry ay nawalan ng trabaho dahil sa COVID kaya inilunsad niya ang VHF para makatulong lalo na sa mga miyembro ng Mowelfund.

Nagpasalamat naman sa kanya sina Mowelfund Board Member Boots Anson-Rodrigo at President Rez Cortez.

Samantala, ayon sa Festival Director na si Jek David karamihan sa mga  entry ay mayroong international caliber, na nagha-highlight sa quarantine experience ng mga filmmaker.

Mapapanood ang mga entry sa VHF sa pamamagitan ng Binge Wave, isang international festival screening platform na naka-base sa USA, sa Sep. 3-4, 2020. Mapapanood din ito sa YouTube via youtube.com/crbcreview sa Sept. 5-11 para makakuha pa ng mas maraming donasyon.

Isang Virtual Awards Night naman ang magaganap sa Sept. 20 kung saan uupong hurado sina Boots Anson-Rodrigo, Rez Cortez, director Jay Altarejos, multi-awarded actress Angeli Bayani at film critique Oggs Cruz. Ang kikitain ng pelikula ay ibibigay sa  Mowelfund.

Narito ang mga kalahok sa VHF na hinati sa iba’t ibang kategorya:

Love – A Love Letter by Juan Carlo Balasbas Tarobal; Sina Alexa, Xander at Ang Universe by Vahn Pascual; Tayo by Army Encarnacion;

Education – Class of 2020 by Robinson Planilla; Karen Is Trying to Connect by Regin De Guzman; Last Sem na ni Peter by Ken Leviste; Online Classes by Sofia Jornacion;

Mental Health – Awit by Lander Sy; Dagiti Tallo a Virgen (Three Virgins) by Melver Ritz Gomez; Sa Ibayo ng Pagtangis by Sophie Casasola, Le Anne Flores, Francis Tavas;

Horror – 3AM byJei del Rosario; Hugas Kamay by Kim Delas Alas; Witness by Juan Carlos Ojano; Dead Cough by Bleaux Bastasa;

Existentialism – Batikasby Lino Balmes; Salmo ’91 by Jerico Ellorenco; Siklo by Sophie Casasola; Why? Fi by Mark Balderrama; and
Political Satire – Ayuda by Ryan Termoso.

Ang VHF ay handog ng Dr. Carl Balita Productions.

Read more...