Babala ni Angeline sa misteryosong kaaway: Ubos na ang pasensiya ko!

 

HANGGANG ngayon ay wala pang malinaw na paliwanag ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto tungkol sa mga hugot niya nitong mga nakaraang araw.

Pero ang hula ng ilang netizens, posibleng may konek ito sa kanyang personal life, partikular sa usaping pag-ibig.

Sunud-sunod kasi ang makahulugang hugot ni Angeline sa kanyang Instagram Stories nitong mga nakaraang araw na tila patama sa isang tao na nang-i-stalk umano sa kanyang mga post.

Una na rito ang isang selfie ng dalaga na nilagyan niya ng caption na, “I’m good Luv, stop checking my page.”

Sinundan pa ito ng isang image ng isang  babae kung saan inihayag ng singer na nauubos na ang pasensiya niya pero wala siyang ibinigay na rason tungkol dito.

“I started the week with a big box of patience. The box is empty now,” ani Angge.

 

“You hate me? Well okay. Grab a chair and wait for me to care,” ang bwelta naman niya sa isang taong mukhang may galit sa kanya.

 

Ayon naman sa ilan niyang fans, kumpirmadong babae ang pinatatamaan ni Angeline sa kanyang mga hugot dahil sa nabanggit niyang “Go Girl” sa isa niyang post.

Sey ng dalaga, “If you have an opinion about my life, please raise your hand. Now put it over your mouth.”

Samantala, may mga nagsabi naman na baka ang tinutukoy na “girl” ni Angeline ay ang napabalitang dyowa ng lalaking tinatawag niyang “special someone” na malapit na malapit ngayon sa kanya.

May lumabas kasing chika na ang “mystery guy” sa buhay ngayon ng singer ay may girlfriend pero bigla na lang daw nitong iniwan at hindi na nagparamdam.

At ang girl na ito umano ang pinatutungkulan ni Angeline sa kanyang sunud-sunod na IG post.

Read more...