Sharon nagpapagawa ng bahay para sa mga aso, may sarili pang salon


KILALANG mapagmahal sa fur babies si Sharon Cuneta pati na ang buo niyang pamilya.

At hindi niya kino-consider na pets ang mga alaga nila kundi parang mga anak na rin kaya naman kapag may mga video post siya ay laging kasama ang mga alaga.

Nagpapatayo ng bagong bahay sina Sharon and at the same time ay pinagagawan din niya ng bahay ang fur babies nilang mag-iina. Ipinakita niya ang itsura nito sa pamamagitan ng 3D o computer generated image.

Ang caption ni Sharon sa ipinost niya sa Instagram, “This is one of the areas I am most excited about over the new house we are building. My little doggies here in our condo now are staying in the main house with us.

“But my Chow Chow Mochi, KC’s Chow Chow Po, KC’s ShihTzu Grandpa, and Kakie’s Beagles Bea and Cupcake are ‘coming home’ with us to the new house.

“And so they will have their own. This Computer-Generated video of their area isn’t yet an accurate representation of it.”

Nabanggit din ng Megastar na hindi na kakailanganin ng fur babies nila ang magpunta sa grooming salon dahil kasama na rin ito sa bahay nila at inamin ding plano niyang magparami ng lahi.

“Aside from their house, they will have a grooming area, and a dog run with a playground! Plus-MORE BIG DOGS to play with. I think one of my callings aside from supporting rescues is TO BREED MY FAVORITES! To sell.

“Something to look forward to when I retire. At least they’ll be in a loving home and there won’t be too many of them. Nothing wrong with that. Especially if they are your passion. Life is short di ba I always say?

“I am sorry I can’t show you the whole video of the house. When I posted here on IG my Architect’s renderings/parang photos na-of my then new house, one day I was surfing the net and nagulat ako may binebenta na na eksaktong design ng bahay namin pero mas maliit!

“I changed everything. And I reduced the size of the floor area. To me this is the right size okay? Magkakaiba ang sa tingin natin ay ‘tama’ kaya don’t judge me please ha?

“Remember – we all have different realities. What is normal to you may not be normal to me, and vice-versa. Ang importante, masaya ang nasa bahay. YUN ANG DAPAT IDASAL.”

Sinabi rin ni Sharon, dalawang taong gagawin ang bagong bahay nila pero sa kabilang banda ay naisip niya na kung kailan aalis ang mga anak niya para mag-aral ng kolehiyo ay ano ang gagawin nila sa malaking bahay.

“I promise I’ll give you a proper tour of the house pag natapos na. KUNG matapos. Kung matapos din ang COVID. Basta ginagawa na siya kaya happy ang workers kasi may trabaho sila. It might take around two years to build daw according to my contractor so tamang-tama. Di na ako masyado siguro nagtatrabaho no’n. Ang ganda.”

“Mali yata ang timing. Sabay mag-aalisan mga anak ko para mag-college sa ibang bansa! Kung gusto pa nila. At kung wala na ang COVID. Eh di pano magbo-bowling kami ni Miguel sa loob ng bahay chaka taguan? Ngek.

“Haaaay magka-apo naman sana ako. Kundi sorry Kiko dadami talaga mga aso ko. Hahahaha! Neighbor! Di ako makatulog. Dami iniisip. Kainis. Goodnight again. Hope you all rest well tonight,” mensahe pa ni Mega.

Read more...