Kilalang hunk actor wala nang raket; payag na sa baklaang pelikula at serye

DAHIL usung-uso ngayon ang BL o Boy’s Love series ay marami na rin ang gustong gumawa nito.

Nagulat kami sa komento ng katsika naming aktres tungkol sa hunk actor na payag na siyang tumanggap ng karakter na lover boy ng bading.

“Si _____ (hunk actor) ano gagawa na ng BL series, hindi na rin nakatiis? Wala kasi siyang offer, e, asa ka pa, wala ngang show ngayon,” bungad ng aktres na kausap namin.

Sinayang kasi ng aktor ang panahong kaliwa’t kanan ang shows niya at kasama pa niya ang tanyag na magka-loveteam pero bigla siyang nawala na parang bula.

“Oo nga tanda ko, bale twice na siyang nawala sa picture, tapos bumalik na ulit. Grabe, sinayang niya talaga,” sabi pa ulit ng kausap namin.

In fairness, nakabalik naman ulit ang aktor kasi nga bukod sa guwapo, maganda pa rin ang kanyang katawan at binigyan pa ng ka-loveteam na tinanggap naman ng publiko.

Marami silang naging supporters at sa katunayan ay hinihiyawan na sila sa tuwing may mall shows sila para sa promo ng kanilang teleserye.

Ang ending, mukhang hindi pa rin sa showbiz ang konsentrasyon ng hunk actor dahil kapag may taping daw ay hindi nito makuha ang eksena kaya nade-delay ang taping dahil sa kanya.

At dahil dito ay inirereklamo siya sa management ng mga katrabaho niya hanggang sa bigla na lang pinatay ang karakter niya.

At dahil walang-wala na siya at kailangan niyang suportahan ang sarili kaya nagpasabi sa manager niyang tumanggap na lang kahit anong role at okay rin sa kanya ang guy to guy relationship.

Oo nga, sa panahon ng pandemya, hindi na kailangang mamili ng role.

Read more...