RYAN makikipag-meeting sa bossing ng TV5, ibubuhos lahat ng sama ng loob


Punumpuno ang Cuneta Astrodome noong Linggo ng gabi para sa finals night ng Talentadong Pinoy Battle Royale at walang nagawa ang bagyong Maring at habagat para pigilan ito kesehodang baha na lahat ng daraanan patungo sa venue.

Kasing lakas ng tilian at hiyawan ng supporters ng pitong Hall of Famers na sina Sor Apao, Laserman, Rina Forbes, Larvae, Haina Udin, Nocturnal Dance Company at Spyro Marco ang tindi ng ulan sa labas ng Astrodome.

Walang Aga Muhlach na dumating bilang isa sa talent scouts dahil siguro sa masamang panahon kaya’t sina Sharon Cuneta, direk Joey Reyes, Joey de Leon, Derek Ramsay, Edu Manzano at Judy Ann Santos lang ang nagsilbing hurado.

Napanalunan naman ni Spyro Marco na laking Amerika pero sa Nueva Ecija na ngayon naninirahan ang titulong 4th UltimateTalentadong Pinoy na isang milyon cash ang premyo at bahay at lupa bukod pa sa premyo niyang Texter’s Choice na nagkakahalaga ng P20,000.

Alas onse na ng gabi ng natapos ang finals night kaya’t nagmamadali ng umuwi ang lahat dahil baha na ang Metro Manila bukod pa sa walang masakyan, mabuti na lang nag-provide ng service vehicle ang TV5 AdProm kaya may nasakyan ang mga imbitado nilang entertainment press.

Samantala, inamin sa amin ng staff ng Talentadong Pinoy na isang reality show ulit ang offer ng TV5 kay Ryan Agoncillo at waiting pa sila kung tatanggapin ito ng TV host dahil isa sa mga araw na ito ang meeting nila ni Chairman Manny V. Pangilinan.

Marami naman ang naaliw sa dance number ni Ryan kasama ang Maneouvers at anak na si Yohan dahil marunong naman pala siyang sumayaw at siyempre proud na proud namang ang asawang si Juday na talagang kinunan pa ng video ang asawa.

( Photo credit to Google )

Read more...