Mismong si Daniel Padilla na ang nakiusap sa fans nila ni Kathryn Bernardo na tigilan na ang pang-ookray at paninisi kay Judy Ann Santos kung bakit na-delay ang pagpapalabas ng seryeng Got To Believe.
Sey ng binata, grabe ang pagrespeto niya kay Juday at hindi raw tama na sisihin ang aktres kung bakit hindi agad naipalabas ang serye nila ni Kathryn. Dahil dito, hiyang-hiya raw si Daniel sa Soap Opera Queen.
Ang teleserye ni Juday na Huwag Ka Lang Mawawala ang tinutukoy ng Kathniel fans na sagabal daw sa proyekto ng mga idol nila. “Hintay lang tayo nang hintay, huwag tayong nagmamadali.
Respetuhin po natin yung mga beteranong artista dahil mga idol ho natin sila at napakababait na tao kaya, siguro naman, hindi nila deserved na masabihan nang ganyan, na madaliin ang show nila dahil sino ba naman ako at si Kathryn?” pahayag ni Daniel sa isang interview.
Tatapusin nanang Huwag Ka Lang Mawawala nina Juday, Sam Milby at KC Concepcion at papalitan nga ito ng Got To Believe simula sa Lunes, mismong si Juday naman ang nagsabi na walang kinalaman sina Daniel at Kathryn sa desisyon niyang tapusin na agad ang kanilang palabas.
In fairness, humingi pa nga ng pasensiya si Juday sa fans ng magka-loveteam, “Kung sakali mang nasagasaan ko ang pag-eere ng Got To Believe, I’m really, really sorry. Hindi naman ‘yan ang gusto kong mangyari.”
Hirit pa ni Daniel sa kanilang supporters, “Dapat maghintay lang tayo nang maghintay, hindi naman tayo aabutin ng 10 taon. Mga ilang months lang naman o kaya kahit three years pa ‘yan. E, di ba, si Ms. Judy Ann po ‘yan… kaya huwag po nating sabihan nang ganu’n o madaliin. Maghintay lang po tayo.”
( Photo credit to Google )