BUKAS na, 10 a.m. ang bagong programang “Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy)” sa TV5 nina Pokwang, Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde.
“Anything under the sun” ang pag-uusapan ng mga bago n’yong morning ka-besh mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang ganda ng kumbinasyon ng tatlong hosts na nagmula sa Kapamilya at Kapuso network na nagsama-sama para sa Kapatid network.
Ayon sa handler ni Ria na si Cris Navarro, Star Magic pa rin ang nagma-manage sa dalaga pero open silang tumanggap ng offer sa ibang TV network.
Pero bago nila tinanggap ang “Chika, BESH!” na produced ng APT Entertainment for TV5 ay ipinaalam muna siya sa talent management ng Kapamilya network.
Kuwento ni Cris, “Ria is still exclusive with Star Magic. And we are grateful for APT Entertainment for giving her an opportunity to be one of the hosts of their line-produced show in TV5.”
Ang maganda ay ang mismong APT ang nagpaalam sa Star Magic kung puwede nilang kunin ang serbisyo ng aktres at saka sinundan ni Ria na personal na pagpapaalam sa kanyang talent management.
Tinanong namin ang handler ng dalaga kung halimbawang bumalik na sa ere ang ABS-CBN ay paano ang “Chika BESH.”
“Siyempre po may commitment kami sa APT at hindi naman po puwedeng pull-out na lang si Ria agad-gad. Kahit na anong project na ibinigay, you have to finish it. Pero siyempre Ria can do other works naman for ABS-CBN basta not same category kung anuman meron siya with APT,” paliwanag ni Cris.
Sa parte naman ni Ria ay sobrang nagpapasalamat siya dahil sa panahon ng COVID-19 pandemic ay may trabaho pa rin siya at isa ito sa pangarap niya noong pumasok siya sa showbiz, ang maging TV host.
Kaya naman tuwang-tuwa siya sa offer ng APT Entertainment na makasama nina Pokwang at Pauleen sa “Chika BESH.”
Malaking hamon din kay Ria ang makasama sina Pokwang at Pauleen dahil siya lang ang dalaga at iba ang point of view niya bilang millennial sa topic napag-uusapan nila for the day.
Sabi ni Ria, “It’s a very good platform to be heard. At a time when everything seems bleak and hopeless, I think it’s awesome to have a show that promotes positivity, a little bit of entertainment, and a distraction from all the uncertainties and stress.”
For the record ay mahusay na host si Ria at sa katunayan ay nagagamit niya ang talento niyang ito noong nasa kolehiyo pa siya at sa mga gatherings outside family events.
Anyway, ang “Chika BESH! Basta Everyday Super Happy” ay mapapanood na bukas, 10 a.m. sa TV5 at may replay kinabukasan sa Colours Channel (Cignal TV ch 60) sa ganap na 11 a.m..