Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Batanes, Linggo ng umaga.
Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 57 kilometers Southeast ng Sabtang bandang 10:53 ng umaga.
May lalim ang lindol na dalawang kilometro at tectonic ang origin.
Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa Sabtang at iba pang karatig-bayan.
Ngunit, paalala ng Phivolcs, posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES