AI AI payag maging tulay para magkabati sina MARIAN at ANGEL


Parehong katrabaho na ngayon ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang dalawang Darna ng local TV. Of course, ang tinutukoy namin ay sina Angel Locsin at Marian Rivera.

Sey naman sa amin ni Ai Ai, siya naman daw si Volta. Ano kaya kung magkaroon tayo ng local version ng “Avengers,” “Justice League,” and recently, ang Justice Forever na binuo ni Captain Stars and Stripes played by Jim Carey sa  “Kick-Ass 2″.

Sama-sama naman sa atin sina  Volta, Darna, Captain Barbell, Super Inggo, Super Inday,  Lastikman, at syempre si Super Gee. Ano kaya ang pwedeng itawag sa kanila collectively?  Bongga ‘yan kapag naging entry sa MMFF, huh!

Anyway, magkasama na sina Ai Ai at Angel sa sitcom ng ABS-CBN na Toda Max. At may movie naman ang Comedy Queen at si Marian na ipapalabas na next month, ang “Kung Fu Divas.”

Dahil nagsabi naman si Marian na willing siyang makipag-friends kay Angel at wala naman talaga silang anything personal, pwedeng magawan ng paraan ni Volta, este Ai Ai na magkita at magkakilala ng personal sina Angel at Marian.

Agree naman si Ai Ai na maging daan ng pagkikita nina Angel at Marian. Iimbitahan daw ni Ai Ai si Angel sa premiere night ng “Kung Fu Divas.”

Magkasundo naman sina Ai Ai at Angel sa set ng Toda Max. Walang kontrata si Ai Ai para maging permament cast  ng sitcom. As long as kailangan siya ng show, stay siya at wala pang ibang regular show na maibigay sa kanya ang

Kapamilya network. Remember, guaranteed ang contract ni Ai Ai sa kanila. Ke me show o wala, tuloy ang sweldo ng Comedy Queen.

( Photo credit to Google )

Read more...