TV career ni Vice, hindi na mina-manage ng ABS-CBN

TRULILI  kaya na hindi na ang ABS-CBN ang nagma-manage sa television career ni Vice Ganda?

Ayon sa nakuha naming tsika ay nagpa-release na si Vice sa ABS-CBN at ang Viva Artists Agency na lang ang solong magma-manage sa kanya.

Ang Viva ang nangangalaga pagdating sa mga pelikula ng TV host-comedian at nadagdag nga  itong The Vice Ganda Network.

Bagamat maluwag na ang ABS-CBN o ang Star Magic sa kanilang mga talents at puwede na silang tumanggap ng offers sa ibang TV network o gumawa ng programa ay nananatiling ang talent management ng Kapamilya network pa rin ang humahawak sa career ng artists nila, sa madaling salita hindi na sila exclusive.

Pero depende pa rin yata sa estado ng mga artista tulad ng tambalang KathNiel, MayWard, LizQuen  JoshLia, at sina Piolo Pascual, Sam Milby, Gerald Anderson, Bea Alonzo at iba pa nilang prime artists na hindi pa rin pinapayagang gumawa ng projects sa ibang network.

Going back to Vice, mananatili pa rin siya sa “It’s Showtime” dahil pioneer naman na siya sa programa bukod pa sa hindi naman ito mawawala sa ere dahil napapanood ito sa Kapamilya channel, YouTube at iba pang platform.

Samantala, nag-start na nga ang Vice Ganda Network kahapon matapos ma-delay ng halos dalawang linggo dahil sa technical problems.

“Finally, eto na yon. Pero di ka makaka-watch kung di ka registered. Di ka din makakasali sa games kung di ka registered, so di ka mananalo kung di ka registered.

“Samakatuwid, ang saklap kung di ka registered kaya mag-register ka na sa register.viceganda.com.ph,” ang pahayag ng komedyante.

“Wala nang bawian, promise! Magsisimula na talaga ang Gabing Gabi Na Vice! Naku, matinding kulitan at harutan ang magaganap na na-miss ko nang gawin,” aniya pa.

Read more...