SWS latest survey, “cause of concern” ayon sa Malakanyang

“Cause of concern” ang resulta ng panibagong Social Weather Stations (SWS) survey na nagsasabing 79 percent ng mga Filipino ang nagsabing lumala ang sitwasyon ng kanilang buhay sa nakalipas na isang taon.

Ito ang reaksyon ng Malakanyang kasabay ng pagtitiyak na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang kahit papaano ay maibsan ang epekto ng pandemiya ng COVID-19 sa kabuhayan ng mga mamamayan.

“The Social Weather Stations (SWS) National Mobile Phone Survey showing a big majority of Filipinos indicated that their quality of life got worse this year compared to a year ago is a cause of concern,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque na mayroon nang comeback plan ang gobyerno para sa COVID-19 pandemic na makatutulong para makaahon ng unti-unti ang publiko.

Ani Roque, sa ilalim ng recovery plan na “Recharge PH” ng gobyerno ay layong pabilisin ang pagpapatupad ng mga programa sa ilalim ng 2020 General Appropriations.

“To mitigate the socioeconomic impact of COVID-19, government economists have prepared a whole-of-society program paramount in our recovery plan called Recharge PH, which seeks to refocus, sharpen the design and accelerate the implementation of programs under the 2020 General Appropriations,” dagdag pa ni Roque.

Una nang sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa ilalim ng “Recharge PH” program mare-rebalance ang mga prayoridad ng gobyerno para maisalba ang mga Pinoy na naapektuhan ng pandemya.

Read more...