Ethel binanatan ng netizens dahil sa ‘lubid joke’

INALMAHAN ng ilang netizens ang “lubid” tweet ni Ethel Booba na pinaniniwalaan nilang isa raw “suicide joke”.

Hindi nila nagustuhan ang banat ng singer-comedienne laban sa kanyang mga bashers sa social media na aniya’y walang tigil sa pambu-bully sa kanya at idinadamay pa ang kanyang pamilya.

Tweet ni Ethel, “Goodnyt na uli mga teh sana naging happy ang araw nyo sa mga EWAN. KUNG STRESS KAYO. May tinda akong LUBID MURA LANG. HAPPY?”

Marami ang nagsabi na tila nagpapahiwatig ng suicide ang hirit ni Ethel. May ilan pang nagkomento na burahin na niya ang kanyang post sa Twitter.

Ilan naman sa mga Twitter users ang nagsabi na ire-report daw ang account niya.

Paglilinaw ng komedyana, “My tweet is intended only to basher na walang mukha kung tinamaan para sau talaga to. Happy?”

Aniya pa, “Ay wait lang yung bibili ng lubid bahala kayo kung saan nyo gagamitin ha. Pede yan duyan. Para ma relaks naman kayo. Tanggal stress nyo. Happy?

“O eto pa isa report nyo dali may tinda rin ako blade mag ahit ka. Happy?

“Asan na bat nakaka tweet pa ko asan na yung pinaglalaban nyo tagal naman report nyo dali. Nakaka antok naman kayo nag benta lang ako ng tali iyak na kayo ng iyak tsaka pano ko ba ireport account ko tulungan ko pa kayo. Happy?

“Tsaka anong delete ang tweet. Dyan lang yan para sa mga malakas mang bash at makita ang kamalian ng iba pero sarili nila di nakikita sala salamin din mga bakla.

“My tweet is purely intended only to basher or troll na walang magawa sa buhay kaya kung tinamaan ka. Ikaw yun,” sunud-sunod na tweet ni Ethel Booba.

Read more...