Mahigit 18,000 na empleyado ng gobyerno positibo sa COVID-19

Umabot na sa 18,310 na government employees sa buong bansa ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa datos ng Civil Service Commission (CSC) mayroon ding 17,711 pa na suspected COVID-19 patients.

Sa ngayon sinabi ng CSC na mayroong 205 government offices ang naka-lockdown dahil mayroon silang staff na positibo sa COVID-19.

Sa panayam ng INQUIRER.net kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nililikom pa ngayon ang datos sa bilang ng mga aktibong kaso at recoveries sa mga empleyado ng gobyerno.

Pero ang Metro Manila ang may pinakamataas na confirmed cases ng COVID-19 sa government workers na umabot sa 13,430.

Read more...