Lahat ng korte sa Calapan City sarado hanggang Aug. 26

Sarado sa publiko ang lahat ng mga korte sa Calapan City sa Oriental Mindoro.

Sa abiso ng Korte Suprema, ito ay matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine ang buong Calapan City.

Kabilang sa sarado ang Branch 11-FC, Branch 39, Branch 40, OCC-RTC at MTCC.

Lahat ng mga korte ay pinayuhang magsagawa ng video-conference para sa mga pagdinig.

Tuloy din ang raffle ng mga kaso, pero gagawin ito online o virtual.

Read more...