Julia sa break-up nila ni Joshua: What if hindi ka nagselos? What if lumaban ka pa?

Joshua Garcia and Julia Barretto

 

NABUHAY ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nagselos ang aktor at kahit hindi nila binanggit ang pangalan ng umano’y “third party” ay halatang si Gerald Anderson ang tinutukoy na rason sa JoshLia break-up

Nakasama ng aktres sa pelikulang “Between Maybes” si Gerald na kinunan sa Japan directed by Jason Paul Laxamana under Star Cinema.

Sa “Out of the Box” ng Star Magic online ay natanong ni Joshua ang ex-girlfriend ng, “What if hindi mo ginawa ‘yung project, what if lang?” sabay senyas ng aktor ng peace. “Sorry naka-peace. Ha-hahaha.”

Natawa naman si Julia bilang reaksyon sa tanong ng ex-boyfriend. Balik-tanong ng dalaga kay Joshua, “What if kung hindi ka nagselos?”

Natawa naman ang binata sa tanong ng aktres.

“What if lumaban ka pa?” tanong ulit ni Julia. Nagkibit-balikat lang si Joshua.

“What if binigyan mo ako ng time na i-figure out ang sarili ko katulad ng binigyan kita ng time na i-figure out ang sarili mo (na-link dati si Joshua sa isa niyang fan sa Twitter).

Tumango si Joshua, “That’s a good one. Well, everything happens for a reason.”

Pero sa unahang bahagi ng tanungan ay natanong ng aktor ang aktres ng, “What if kung tayo pa rin tapos hindi nangyari ‘yung kung anuman ang mga nagyari?

“What if hindi ako nagkaroon ng computer (mahilig sa moble legends).

“What if kung natuloy ako sa project (hindi malinaw kung kasama dapat si Joshua sa pelikulang Between Maybes)?”

At hirit pa ni Joshua, “What if magkasama tayo ngayong lockdown?”

‘’Yeah,” sagot kaagad ni Julia.

Parehong mahusay na artista ang dalawa kaya hindi namin alam kung inaarte lang nila ang mga pakilig nilang tanong sa isa’t isat para sa promo ng kanilang “E-Numan” episode para sa special digital movie nilang “Love Unlock” na mapapanood bukas, 7:30 p.m. sa direksyon ni Dado Lumibao.

Ni-repost ni @bootyqueenJulia ang video na ito ng Star Magic at ang caption ay, “Julia Barretto did not cheat, the world owes Julia an apology.”

 

 

Read more...