Isang lalaki ang nasawi matapos iligtas ang nalulunod na dalagitang anak at kaibigan na naliligo sa dagat sa baybaying bayan ng San Antonio sa Zambales noong Huwebes.
Sa inisyal na imbistigasyon ng pulisya, napag-alaman na naliligo sa dagat ang 13-gulang na anak na babae ni Jimmy Spates, 57, pati na rin ang kanyang kaibigan na si Allan Canonizado, 32, nang tangayin sila ng malalaking alon patungo sa malalim na bahagi ng tubig dakong ika-5 ng hapon.
Nagawang iligtas ni Spates, residente ng Barangay San Nicolas sa bayan ng San Antonio, ang dalawa.
Dumating ang mga rescuers at isinugod ang mga biktima sa San Antonio Municipal Health Unit, pero si Spates ay idineklarang dead on arrival.
Mula sa ulat ng Inquirer Central Luzon
MOST READ
LATEST STORIES