NALALASWAAN o nababastusan ba kayo sa latest swimsuit photo ni KC Concepcion?
May isang netizen kasi ang nagkomento ng nega sa bagong Instagram picture ng singer-actress kung saan kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan.
Sa nasabing litrato, nakatalikod ang dalaga pero nakaharap ang mukha sa camera. Agaw-eksena rin ang
kanyang matambok na puwet.
Aniya sa caption, “If you can’t love yourself, how in the hell you gonna love somebody else? — said RuPaul.” Ang tinutukoy niyang RuPaul ay ang sikat na American drag queen.
Maraming napa-wow at pumuri sa katawan ni KC, kabilang na si Miss International 2016 Kylie Verzosa. Super hot daw ng aktres sa latest pictorial niya.
Ngunit may isa ngang netizen ang nambasag sa trip ni KC at nalaswaan sa swimsuit photo niya.
Comment nito, “Respect to your self then you can get respect too from others.”
Walang reply ang anak ni Megastar Sharon Cuneta sa hirit ng kanyang IG follower pero ipinagtanggol naman siya ng fans na nagsabing walang karapatan ang kahit sino na diktahan siya kung ano ang dapat niyang i-post sa social media.
Kung matatandaan, sa isa pang Instagram post ng dalaga inamin niyang naaapektuhan din siya sa panglalait ng ilang tao sa kanyang katawan.
“I used to get body-shamed when I went on my 3-year hiatus for not having that Asian, stick thin body… and many women like me get affected by this mentally, emotionally and physically.
“Why choose to lock myself up comparing myself to everyone else, when I could be dressing up for these fire feminine hips and that booty (that some girls even pay to have by the way)?” ani KC.