Reimbursement ng mga ospital sa COVID-19, sinuspinde ng PhilHealth | Bandera

Reimbursement ng mga ospital sa COVID-19, sinuspinde ng PhilHealth

Karlos Bautista - August 14, 2020 - 10:53 AM

Sinuspinde ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) noong Huwebes ang pagbabayad sa reimbursement mga ospital kaugnay sa sakit na coronavirus.

Sa Twitter, sinabi ng PhilHealth na ang suspensyon ng interim reimbursement mechanism (IRM) ay magbibigay-daan para marepaso ang pangkabuuang implementasyon nito at malutas ang mga isyung lumutang sa ginagawang pagdinig ng Senado sa state health insurer.

“Ipinapangako ng PhilHealth na gagawa ito ng mga paraan para gawing mas responsive ang IRM,” wika pa ng PhilHealth.

Nitong Miyerkules, binigyang-diin nina Senador Francis Pangilinan, Panfilo Lacson, Risa Hontiveros, at Senate President Vicente Sotto III na dapat munang ihinto ang  reimbursement habang hindi pa nasasagot ng PhilHealth ang mga katanungan kaugnay dito.

Sa testimonya sa Senado noong Agosto 4, sinabi ni Atty. Thorrsson Montes Keith, anti-fraud legal officer ng PhilHealth, na humigit-kumulang sa P15 bilyon ang pondong ibinulsa ng mga myembro ng “sindikato” sa PhilHealth noon lamang 2019.

Kabilang sa mga isyung lumutang sa pagdinig ang umano’y favoritism sa ginagawang reimbursement ng PhilHealth para sa COVID-19 treatment.

Kinuwestyon din ni Lacson ang umano’y pagbabayad sa isang dialysis center na na hindi naman humahawak ng mga kaso ng  COVID-19.

Nitong Huwebes, nagbuo ang National Bureau of Investigation ng isang task force para imbistigahan ang ilang mataas na opisyal PhilHealth na umano’y sangkot sa pagbubulsa ng pondo ng state health insurer mula pa noong 2013.

Samantala, para kay Lacson ay kataka-taka ang umano’y pananahimik ni Health Secretary Francisco Duque sa mga lumulutang na isyu ng iregularidad sa PhilHealth.

Sa text message sa wikang English na ipinadala ni Lacson sa Inquirer, sinabi niya na tatanungin niya si Duque kung “bakit sobra siyang tahimik sa kabila ng mga iregularidad na hayagang tinatalakay at sa mga napakaraming tanong na hindi masagot kaugnay sa mga kwestyonableng transaksyon ng PhilHealth.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang anumang pahayag na binibitawan si Duque, ex-officio chair of PhilHealth, simula pa ng pumutok ang isyu noong nakaraang buwan. Ipapatawag siya ng Senado sa pagpapatuloy ng pagdinig sa darating na Martes.

May ulat ng Inquirer

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending