Dingdong, Rocco handa na sa pagbabalik ng DOTS; Prima Donnas balik-TV na

 

MATAPOS ang ilang buwang break sa taping, naghahanda na ngayon sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actor Rocco Nacino sa pagbabalik-trabaho.

Yes, anytime soon ay balik-taping na ang pinagbibidahan nilang serye na “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation.”

Sa panayam ng GMA, ibinahagi ni Dingdong na pinaghahandaang mabuti ng kanilang team ang magiging proseso sa pagbabalik-taping para maging ligtas ang pagtatrabaho nilang lahat bilang pagsunod sa health protocols.

Aniya, “Kailangan ‘yung preparedness namin kung dati level 100 percent, dapat 1,000 siguro ngayon kasi we’re not after time but also our safety and the safety of others as well.”

Maging si Rocco ay excited na ring magtrabaho uli, “Ganado kaming magtrabaho ulit. Ramdam namin ‘yung excitement at saya kasi nga naramdaman namin na may balik ‘yung pinaghirapan namin.”

Dagdag motivation pa ngayon sa cast ng serye ang pagkakapanalo nito bilang Most Popular Foreign Drama of the Year sa katatapos lang na 15th Seoul International Drama Awards.

* * *

Labis na excitement din ang nadarama ng Kapuso stars na sina Will Ashley at Vince Crisostomo sa pagbabalik-telebisyon ng top-rating GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas.”

Simula Lunes (‪Aug. 17), mapapanood muli sa telebisyon ang sinusubaybayang teleserye na talaga namang nagpaiyak, nagpakilig, nagpasaya, at nagpayanig sa ating mga hapon.

“I feel excited about the re-airing of Prima Donnas dahil mapapasaya na naman namin ang mga tao na laging tumututok sa amin.

“Mas madami silang dapat abangan sa mga susunod na kabanata ng serye,” sabi ni Vince na gumaganap bilang Cedric, ang love interest ng karakter ni Jillian Ward.

Dagdag naman ni Will na gumaganap bilang Nolan, “Excited ako dahil makakapagpasaya na ulit ang cast ng show sa mga manonood na naghintay sa aming pagbabalik.”

Muling sariwain ang nakakaantig na kwento ng Prima Donnas, simula Lunes, ‪3:25 p.m., sa GMA.

 

 

Read more...