PLANO na palang mag-resign noon sa GMA 7 ng award-winning broadcast journalist na si Kara David.
Naisipan niya raw ito noong early 2000 dahil super affected siya sa pagkamatay ng kanyang case study sa isa niyang dokumentaryo sa I-Witness na “Buto’t Balat.”
Bagsak daw ang isip at puso niya nu’ng mga panahong yun at parang mas gusto na raw niyang maging health worker noon at manirahan na lang sa Mindoro.
“Namatay ‘yung mga case study ko sa ‘Buto’t Balat’ tapos I felt na parang, ‘Bakit ako nandito sa mundo, ‘yung mga ini-interview ko, namamatay?’”
“Parang gusto ko maging social worker na lang or health worker,” pahayag ni Kara sa isang episode ng “Tunay na Buhay” ni Pia Arcanghel.
Ayon pa kay Kara, espesyal ang Mindoro sa kanya dahil doon niya ginawa ang ilan sa kanyang mga nagmarkang dokyu para sa I-Witness kabilang na ang “Gamugamo sa Dilim,” “Liwanag sa Dilim” at “Ambulansiyang de Paa” na nagwagi pa ng George Foster Peabody Award.
“’Yung mga stories ko sa Mindoro ang pinaka-special sa akin.
“’Yung first I-Witness documentary ko ay sa Mindoro, tapos mula doon sa dokumentaryo na ‘yon, ‘yung ‘Gamugamo sa Dilim,’ nanganak siya.
“’Yung community na ‘yon, nagkaroon ako ng parang special relationship with the community, with the Mangyan Tribe.
“Seven years later bumalik ako, sila pa rin, kinumusta ko sila, pero may iba pa silang problema — health. ‘Yun ‘yung ‘Ambulansiyang de Paa.’ It’s the same community.
“Pagkatapos ng ‘Ambulansyang de Paa,’ bumalik kami, nagpatayo kami ng health center, that’s ‘Liwanag sa Dilim,”” lahad pa ni Kara David.