BUHOS at bigay-todo kung magmahal at makipagrelasyon ang singer-actress na si Arci Muñoz.
Isa si Arci sa mga female stars na ilang beses nang sumugal at nabigo sa pag-ibig kaya mas pinili niya munang ipahinga ang kanyang sugatang puso.
Ang last boyfriend ng dalaga ay ang Chinese businessman na si Anthony Ng na dalawang taon din niyang nakarelasyon. Naghiwalay sila last year.
Aminado si Arci na nakakalimutan niya kung minsan ang sarili kapag siya’y in love. Aniya, “Hindi ako magaling diyan, e. Ginagawa ko na lahat, iniiwan pa rin ako!”
“Whenever I’m in a relationship, I give it my all. Sometimes I forget about leaving a little bit of self-love.
“E, ayun po, sa aking mga experience before sa previous relationships ko, as in buhos talaga, e. Parang ako yung lalaki,” chika ng aktres sa online presscon ng kanyang digital special na “Love Unlock: Hook-up” kasama si Gerald Anderson.
Ine-enjoy daw muna ng dalaga ang pagiging single ngayon, “May time ako alone, by myself, single. Ito na yata pinakamatagal kong single ako. Magdadalawang taon. Parang freedom na, ‘Wow, sarili ko muna!'”
Patuloy pa niya, “Ang na-unlock ko during this quarantine, I was able to spend time alone. I learned na kailangan for you to be able to love someone else, kailangan mahal mo sarili mo.
“Itong journey na pinagdadaanan ko ngayon, na-appreciate ko yung maliliit na bagay and also to appreciate myself more,” lahad pa ng aktres.
“It’s my choice to stay single right now. Like, kahit may nagpaparamdam before lockdown, choice ko talaga ako muna, sarili ko muna.
“I wanna travel by myself na wala ako iniintindi. I was able to spend time with my family. I’m super duper happy.
“Pagdating ng panahon at andiyan na yung tamang tao para sa akin, ayan na, alam ko na kung paano yung tamang ibibigay ko lang sa taong iyon.”
“Sa ngayon, imaginary boyfriend na lang muna!” natatawang sey pa ni Arci.
Kung hindi kami nagkakamali, naging dyowa rin noon ni Arci si Badi del Rosario, isang rock band singer at ang anak ng Brunei Prince na si Jefri Bolkiah.