I-text kay Madam Sophia (August 21, 2013)

Mula kay Nelson ng …0973, Cagayan de Oro City. October 23, 1969 ang birthday ko. Anong negosyo po ba ang suwerte sa akin kasi ang dami ko ng negosyong naranasan pero lagi namang lugi?
>>>
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 23, 1969 mapalad ka sa negosyong may kaugnayan sa pagkain, grocery at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Sa negosyong nabanggit, “basic needs” ng mga tao, higit lalo kung ang negosong ito ay bubuksan mo sa public market o kaya ay sa pinaka-poblacion ng inyong bayan. Kapag nagawa mo yan, makikita mo sa taon 2018 sa edad mong 49 pataas magsisimula ka ng yumaman.
-o-o-o-
Mula kay Joanne ng Sta. Cruz, Davao del Sur. February 21, 1981 ang birthday ko. May pag-asa kaya akong magkaroon ng boyfriend at makapagaasawa pa kaya ako? Kung mayroon kailan naman kaya mangyayari yon?
>>>
Tugon ni Madam Sophia: Oo naman, may pag-asa kang magka-boyfriend at makapag-asawa, basta ba lagi kang magpapaganda at ang pinaka-mahalaga sa lahat maging friendly ka. Alam mo, yong mga babaing tumatandang dalaga habang buhay, iisa lang ang “common denominator” nila, hindi sila friendly lalo na sa mga lalaki. Kaya nga kung sisimulan mo na ngayong maging friendly, ibig sabihin ay palangiti at palabati at pagkatapos ay lagi ka pang mabango dahil araw-araw ay nagpapalit  ka ng damit at amoy bagong paligo, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2014, magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.   
-o-o-o-
Mula kay Jennifer ng …1545, Borongan, Samar. September 7, 1992 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang ka-compatible ko?
>>>
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mong September 7, 1992 silang isinilang sa zodiac sign na Taurus, Capricorn, Libra, Pisces, Gemini at kapwa mo Virgo higit lalo silang isinilang sa petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25.
-o-o-o-
Mula kay Jun ng …4381, Malolos City, Bulacan. April 3, 1984 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho.
>>>
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 3, 1984, sa susunod na taong 2014 magkakaroon ka na ng regular at magandang trabaho sa isang kumpanya na may kaugnayan sa medesina o kaya’y may kaugnayan sa modernong kumunikasyon.
-o-o-o-
Mula kay Ann Mae ng Cervantes Extension, Dumaguete City. May 2, 1986 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang ka-compatible ko?
>>>
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ang birthday mong May 2, 1986 silang isinilang sa buwan ng Nobiyembre, at silang nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio, Virgo, Capricorn, Libra, at kapwa mo Taurus, higit lalo silang may birth date na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20, 26, 6, 15, at 24.

Read more...