May txm8 si mister

Sulat mula kay Kristel Palili, Padada, Davao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Nahuli ko pong may ka-text mate na ibang babae ang mister ko at ng pinagsabihan ko siya, sabi nya kaibigan lang daw niya yong ka-text mate nya, pero bakit po nagsasabihan na sila ng “I love you” at mga sweet words kung magkaibigan lang sila. Mula ng nahuli kong may ibang babae ang mister ko lagi ng magulo ang isip ko at inaalala kong baka isang araw bigla na lang niya kaming iwanan. Ano po ba ang dapat kong gawin? May posibilidad po ba na mahiwalay ako sa aking asawa? Sa ngayon po pinapangibabawan talaga ako ng takot at pag-aalala, sana matungan nyo po akong mapanumbalik ko ang dating pagmamahal sa akin ng mister ko? May 16, 1979 ang birthday ko at September 2, 1978 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Kristel ng Davao Del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
‘Wag kang mag-alala Kristel at wag ding labis na mabahala, sapagkat kapansin-pansing iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit na mambabae ang iyong mister, o kahit na may ka-text mate pa siya, sa bandang huli, wala rin siyang magagawa sa itinakda ng kapalaran – mananatiling buo ang inyong pamilya at kayo parin ang magsasama habang buhay.
Cartomancy:
Pansamantalang problema lamang ang nais sabihin ng barahang Seven of Spades, habang ang barahang Six of Diamonds at Queen of Heart ay nagsasabing habang nakikipag-bolahan ang mister mo sa ka-text mate nya, lalo naman siyang sisipaging mag-trabaho kaya patuloy ang dating ng maraming pera at maalwang pamumuhay sa inyong pamilya sa darating na mga araw.
Itutuoy….

Read more...