Neri Naig mag-aaral sa Harvard: Magbabayad ka para sumakit ulo mo

 

EXCITED na ibinalita ng actress-businesswoman na si Neri Naig na makapag-aaral na siya sa Harvard Business School Online.

Aniya, kukuha siya ng kursong Entrepreneurial Essentials at magsisimula na siya sa darating na Sept. 2, 2020.

Nag-post ang misis ni Chito Miranda sa IG ng screenshot ng natanggap niyang verification form mula sa Harvard Business School Online.

Caption ni Neri, “Okay na. Sobrang saya ko na, na alam ko na pasok ako.

“Ang next ay sakit sa bulsa tapos sakit sa brain naman! Magbabayad ka para sumakit ulo mo, haha! Pero ‘di ba ginusto mo ‘yan?

“I am happy! Sobra! Nakakaproud dahil kapag may ginusto ako, gumagawa talaga ako ng paraan. Walang excuses dapat. Paano ko malalaman kung para sa akin kung hindi ko susubukan, ‘di ba?

“Everyday dapat naghahanap tayo ng mga paraan para mas matuto pa. Mag invest ka sa sarili mo.

“Tandaan, hindi pa huli ang lahat. Kahit anong edad mo pa,” mensahe pa ng aktres.

Bago ito, unang nag-post sa kanyang Instagram page si Neri matapos makatanggap ng e-mail mula sa tanggapan ng kilala at prestihiyosong university.

Aniya, “Ay! Ino-notify pa raw ‘yung eligibility ko to enroll? Jusko!

“Ang nilagay ko pa naman na business ay ‘yung Neri’s Gourmet Tuyo! Siyempre proud ako dun! Nabahuan ata! Naamoy ang tuyo papuntang Cambridge.

“Isang Linggo akong ‘di mapapakali nito kakatingin kung mag-i-email si Harvard.

“Ginusto mo ‘yan, ‘di ba? Masabi lang talagang nakapag Harvard ka o sa case ko, nakapag-inquire sa Harvard. Hahaha.”

Read more...