Lola ni KC pumanaw sa edad na 79: I love you, I will remember you and daddylo forever

 

PUMANAW na ang ina ni Kapuso actor Gabby Concepcion na si Gng. Lourdes Arellano. Siya ay 79 years old.

Ibinahagi ng panganay ni Gabby na si KC Concepcion ang malungkot na balita sa kanyang Instagram account.

Ipinost ng singer-actress ang isang litraro sa IG kung saan kasama niya ang amang si Gabby at ang kanyang lola.

Caption ni KC, “My last living biological grandparent passed this morning (kahapon).

“Thank you for always remind us of our family tree and for always keeping me close to the family, mommyla.

“I love you and I will remember you and daddylo forever. #Arellano #JuanArellano.”

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang nanay ni Gabby ay apo ng painter na si Juan Arellano.

Kung matatandaan, nag-post noon si Gabby sa IG ng litrato ni KC at ng kanyang great great grandfather at nagkuwento tungkol sa kanilang family tree.

Aniya, “How we are related to Juan Arellano (painter) Tree: Juan Arellano father of Oscar Arellano, father of Ma. Lourdes A. Concepcion, mother of Gabriel Arellano Concepcion, father of Kristina Cassandra Cuneta Concepcion.”

Read more...