Bagong kanta ni JK Labajo malaking tulong para sa medical frontliners

 

NANAWAGAN ang award-winning young singer na si JK Labajo sa madlang pipol na patuloy na tumulong sa mga medical frontliners.

Naniniwala si JK na hangga’t mataas ang morale at malalakas ang mga bayaning healthworkers, maipapanalo natin ang laban kontra COVID-19 pandemic.

For his part kasama ang kanyang  Juan Karlos band, iniaalay nila sa sambayanang Filipino ang kanilang latest single na “BLESS Ü”

Ito’y tumatalakay sa pagiging positibo at pagiging matatag sa gitna ng matitinding problema at paghamon sa buhay, lalo na ngayong may health crisis.

Ibinahagi ni JK sa kanyang social media accounts na bahagi ng proceeds na matatanggap nila mula sa kikitain ng “BLESS Ü” ay mapupunta sa mga medical frontliners.

Mensahe ng binata, “To all those wishing to help our fight against COVID-19, we are currently facing challenges in pipelining our financial support to the UP-PGH Bayanihan Na! Foundation.

“This wonderful collective of doctors and volunteers are spearheading the fight against ending this terrible pandemic.

“You can still help support our fight by either donating or by simply streaming BLESS Ü on your preferred platforms.

“We’ll update you all once we get things up and running on @juankarlosband account where you can directly support this effort. #BLESSÜ,” pahayag pa ni JK.

Read more...