HOROSCOPE August 21, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil panahon ngayon ng kalamidad, simpleng selebrasyon na lang ang gawin mo sa iyong birthday. Yayain ang kasuyo na magsimba at pagkatapos magluto kayo ng mainit na sopas. Sa ganyang paraan mas magiging meaningful at masaya ang iyong kaarawan. Mapalad ang 3, 15, 27, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Red at blue ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19) –   Sa pag-ibig panatiliin ang pagiging mahinahon upang hindi kayo magkagalit ng kasuyo. Sa pinansyal, habang bumubuhos ang ulan mararamdaman mo ang  tunay na kahalagahan na dapat talagang marami kang ipong pera. Mapalad ang 1, 12, 22, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Janan.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –    Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Agad mo siyang tulungan. Ang mga taong tumutulong sa panahong ito ng kalamidad ay mas maraming biyayang matatanggap. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)   – Mamamali ka ng desisyon kung nakabatay sa pagsisinungaling. Panatiliin ang pagiging tapat sa mga kliyente upang dumami ang iyong mga suki. Sa pag-ibig, kung niloko mo ng minsan ang iyong kasuyo, wag mo ng ulitin pa, baka makahalata na siya. Mapalad ang 5, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)    – Pagkain ang magpapasigla sa araw ng ito! Mag-luto ng arozcaldo, upang lalong sumarap ang pagsasamasama ng pamilya. Sa pananalapi, buenas sa negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 2, 7, 29, 33, 46, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Aum.” Apple green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)     –  Muli mong makikita ang isang tao na dati ng nagbigay sayo ng suwerte. Kausapin mo siya, siya ang lulutas sa iyong mga problema. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Beeja-Tara.” Voiolet at orange  ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)    – May magandang kapalarang matatanggap! Isang dating kakilala ang bigla na lang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang umuulan mas lalong sasarap at lalong iinit ang romansa. Mapalad ang 5, 15, 20, 29, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –    Malapit na ang birthday mo! Ngayon palang paghandaan na kung paano ise-celebrate ang iyong kaarawan. Sa pag-ibig, may espesyal na regalo kang matatanggap sa iyong kasuyo na hinding-hindi mo malilimutan. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)  – Sa negosyo, simula na ang kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, wag ng magtampo sa minamahal, may mga walang kuwentang tao talaga na dapat mong unawain. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 44 at 47. Mahiwag mong mantra: “Udatta-Savitra-Om-Trata.” Violet at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –     Pahalagahan ang pamilya. Ipaghanda mo sila ng salapi para sa kanilang future. Sa pag-ibig, lagi kang may hinahanap, pero ang totoo nasa loob ng puso mo ang kasagutan! Mapalad ang 3, 13, 21, 27, 33 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Sa pusong matuwid ang pag-ibig ay lubos!” Red at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –  Hindi mo alam na mayabang ka? Lalo kang uunlad kung matututong magpakumbaba. Sa pag-ibig, hayaan mong magkuwento ang iyong kasuyo kaysa sa ikaw ang laging nagsasalita. Mapalad ang 2, 11, 22, 32, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Pad-Hani.” Gray at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)   – Sa pag-ibig hindi dapat malungkot, may isang Virgo na naghihintay sayo, wag ka ng umarte –sungaban mo agad siya! Sa pinansiyal, hindi  baling gumastos, basta ito ay para sayong ikaliligaya. Mapalad ang 1, 9, 18, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Red at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –   ‘Wag mo munang problemahin yong mga hindi pa naman naniningil na pagkakautang. Sa pag-ibig, habang ma-ulan ang panahon mamayang gabi, sa tahimik na silid bigyan ng masarap na yakap at halik ang kasuyo. Mapalad ang 2, 19, 29, 37, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harin-Aum-Arham.” Red at green ang buenas.

Read more...