Clint Bondad nag-post ng babaeng may ulo ng hayop, sungay: What sin do I bring 4 U? | Bandera

Clint Bondad nag-post ng babaeng may ulo ng hayop, sungay: What sin do I bring 4 U?

Ervin Santiago |August 10,2020
facebook
share this

Clint Bondad nag-post ng babaeng may ulo ng hayop, sungay: What sin do I bring 4 U?

Ervin Santiago - August 10, 2020 - 10:03 AM

 

AGAW-EKSENA na naman sa social media ang ex-boyfriend ni Catriona Gray na si Clint Bondad.

Hashtag #shookt, natakot at mas lalong nag-alala ang mga supporters at followers ng hunk actor-model sa latest Instagram post nito.

Isang litrato ng babae na may ulo ng hayop at sungay ang ipinost ni Clint sa IG. Pinalilibutan pa ng mga kandilang may sindi ang nakaluhod na babae.

Nilagyan ito ni Clint ng caption na, “What sin do I bring 4 U.

“If not eXcitment.

“No one likes 2 resist curiosity.”

Nagkakaisa ang ilang IG followers ng binata na tila kulto ang peg ng nasabing litrato.

Bakit daw kailangang mag-post ng ganu’ng klase ng imahe si Clint sa panahong naghihirap ang buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

Kabaligtaran daw ito ng karamihan sa mga positibong post sa social media kung saan mga religious images ang ibinabahagi kasabay ng pagdarasal.

Comment ng isang netizen, sana raw ay magkaroon na ng peace of mind si Clint at maliwanagan sa kanyang buhay.

May nagsabi rin na perfect example raw ng isang “anti-Christ” ang litratong ipinost ng ex-BF ni Catriona.

Sagot sa kanya ni Clint, “Perfection is my curse… Just an actor.”

Tanong naman ng isa pang netizen, “What is that @clintbondad so weird.” Na sinagot ni Clint ng, “Yes. I have tits…they jiggle.”

Sa nagsabing “creepy” ang kanyang post, sinabi ni Clint na hindi naman niya sinabing sambahin ang ipinost niya, “Just don’t pray on it and you will be fine.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa pang follower niya ang nagpayo na, “Why don’t you seek God instead of posting like that? God loves you sir clint.”

“Who said I don’t?” maikling tugon ni Clint Bondad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending