Angel, ‘Kinang’ ng Drag Playhouse nakalikom ng pondo para sa LGBTQ

 

MASAYANG ibinalita ni Angel Locsin na malaki-laki na rin ang nalikom nilang donasyon para sa LGBTQIA+ community.

Last week, ibinandera ng programa ni Angel sa Kapamilya Channel na “Iba Yan” ang mga nakaaantig ngunit punumpuno ng inspirasyon na kwento ng mga drag artists mula sa Drag Playhouse Philippines.

Isa-isa nilang inilahad sa madlang  pipol ang kanilang mga experience bilang miyembro ng LGBTQ community, ang kanilang mga pagdurusa at pagsisikap sa buhay lalo na ng magkaroon ng coronavirus pandemic.

Bukod diyan, buong pagmamalaki rin nilang ibinahagi sa publiko ang makulay at masayang mundo ng pagiging “drag queens.”

Sa nakaraang episode nga ng “Iba Yan,” ipinalabas ang “Kinang: An Online Celebration of Philippine Drag.” Ito’y nagsilbi ring fundraising project nina Angel para sa mga drag performers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa episode kahapon ng “Iba Yan”, ibinalita ni Angel ang naging resulta ng kanilang “bayanihan.”

Kumita raw ang “Kinang” ng P300,000 mula noong Agosto 2 hanggang Agosto 6. Ani Angel, posible pa itong lumaki dahil patuloy pa rin ang pagdating ng donasyon mula sa may mga mabubuting puso.

Siniguro naman ni Jan Lamban ng Drag Playhouse Philippines, napakalaki ng maitutulong ng nakalap nilang tulong sa LGBT community, lalo na sa mga kapatid nilang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng entertainment clubs at comedy bars.

Read more...